Grabe guys, di ko makalimutan talaga yung experience ko nung may motor pa ko. Share ko ulit sa inyo, most of my friends known this already pero gusto ko lang ma share sa others. I am so inspired of my own story in here.
It was about 4 pm of November 12, 2007 nung nag dismiss ng klase ung prof namin sa UST. By that time po, may motor pa ko. And as my daily routine, lagi po akong lumalabas sa Dapitan Gate. Then, approaching ako sa gate, I noticed na may kasabay akong nagmomotor galing din inside the campus. His name was Jeremy Santos, Fine Arts student sya dun rin sa USTe. Then, when we finally made the gate, we parted ways. Siya turned right from Dapitan gate (Going to AH Lacson) and ako naman turned left from Dapitan gate (going to P.Noval ,Espana). After mga several minutes, I stroll around kasi wala kong magawa. Naglibot muna ako hanggang sa makarating ako sa part ng Quezon Ave. (EDSA). Then medyo nag-bibuild up yung traffic. Then after a few minutes nung makarating ako sa bandang underpass, I see a flock of people na parang may pinagpipyestahan. Yun pala, merong na aksidente. On a helmet daw ung victim so malamang, naka motor yung victim. After a few hours later, nakauwi na ko. Then I turned on my TV sa computer ko then watched 24 ORAS (News show). Then comes the part "ALERTO 24". May isang university student daw ang naaksidente sa motor. Pinanood kong mabuti. Then I was so shocked of what was delivered in the news. Tiga-UST daw ung na aksidenteng yun, and guess what, It was Jeremy. Yung kasabay ko palabas ng campus down the Dapitan gate. Ninerbyos talaga ako nun. And sumagi sa mind ko, namimili pala si God sa amin kung sino ang kukunin nya if ever? Hehehe! Think of it ha, nag opposite ways kami from UST then nung magkita ulit kami at one point, he was good as dead down the ground. Ewan ko! hehehe! But thank God that he did not choose me between the two of us (kung namili man sya samin ha). And also thank god, Jeremy is on a good tip-top condition now.
Right now, wala na yung motorcycle ko. Advice na rin kasi ng mama ko na ibenta ko yung motor and natatakot na rin ako sa mag motor simula nung ma mini-accident din ako.. pero mini lang hehehe!
Geh, just remembering that unforgettable day! Thanks for reading ha... Good day and god bless mga peeps!